CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Wednesday, July 11, 2007

finding nemo...

hmm.. bat ganun. buhay talaga. eion, ang hirap. putek naman oh, sa diname dame ng pwedeng problemahin, love life p adumating para problemahin ko. bwisit!. eto yung pinakaayaw ko problemahin sa lahat eh, hirap kasi ako na magkwento pag tungkol sa pag-ibig. ewan ko ba. sa ibang tao madali lng kapag ganun, pro sakin iba eh. ms madali pa magkwento pag tungkol sa pamilya. hay. kahit gaano ko man gusto ikwento o sabihin kung ano nararamdaman ko hindi ko pa rin magawa, cguro nga tanga ako, cguro nga. pero dahil gusto ko mailabas lahat ng nadarama ko ngayon, susubukan ko na masabi o maitype man lang sa blog na to ang lahat lahat. simulan natin sa simula...


first day: ayos, kolehiyo na ko!, yahoo!. saya saya, may new found freedom. game na ko simulan ang bagong yugto ng buhay ko. back to zero ulit. pag pasok ng room 101, wala pa ako kakilala. tahimik muna. huwag masayado maging feeling close baka kung ano isipin nila. may pumasok, dati kong klasmeyt nung gradeschool. may kakilala na ko.

first week: nadadagan ang new friends. :). saya. i'm loving college na! syempre ang unang taong nakilala ko nung first day, siya ang naging best friend ko. oh di ba?. iba rin ako. :). dami n namin na pagkwentuhan. girl stuff. syempre picture picture. parehas kaming vain eh. pero kahit siya bestfriend ko, kahit sinasabi niya sakin lahat. ako hindi ko masabi sa kanya lahat tungkol sakin. akala ko sati extrovert ako kasi sobrang ingay ko. madaldal, pero hindi rin pala. dami rin pala akong hindi nasasabi tungkol sakin, lalo n sa love life. di bale, first week pa lang. dami pa mangyayari.

first sem: hay, mahirap din pala maging kolehiyala. dami ginagawa, at syempre miss ko na rin highschool friends ko. pero dahil sobrang saya kasama ang bago kong barkada, hindi ako masayado nadodown. lagi sila andyan para sakin. pag masyado na kami na susubsob sa aral. break muna. let's have fun. dami nangyari. dami bonding moments, dami rin pictures. :). katuwa. masaya ako sa buhay kolehiyo ko kahit mapagalitan ng prof sa psych kasi nagpalit agad ng uniform, kahit bagsak ako sa test na sobrang hirap, kahit bumagyo at nasira ang mga salamin sa eskwlahan namin, ok parin. masaya kasama barkada ko ngayon.

sem break: eto na. nagsimula ang ahindi inaasahan, hay, may nagtext. woah, kagulat. hindi naman nagtetext toh dati ah. pro ok lng, kasama siya sa group of friends ko, kaya cge reply lng. ayon, nagsimula, textmates. buong sem break, katuwa, nagagamit ko n rin load ko.

second sem: imagine, bilis ng panahon. second sem na kami, matagal-tagal n rin pala kami nagsama-sama, medyo matagal ko n rin palang katext c *friend. dami na kaming napagusapan, eto pa, kahit magkasama n kami sa eskwelahan, magtetext parin yan pag-uwi nya. tapos unti-unti n siya nagiging sweet. hugs lang naman, kaya wala pa malisya saken, hinahug ko rin naman ibang friends ko eh.

christmas break: ganun parin, text dito, text diyan.. ok fast forward na natin.

other half ng second sem: hala, ano tong nararamdaman ko, napapadalas ata ang pagsasama namen ng kami lang ah. kahit alas-ocho ang klase, magaaya siya pumasok ng alas-syite, review daw kami sa library. bumibilis na tibok ng puso ko, naku!, mali to, ayaw ko. lagi ko na siya hinahanap, lagi ko na inaabangan bawat text niya. natutwa ako kapag kasama ko siya, ok lang kahit sobrang sakit na ng paa ko kakalakad kasama siya. pero mali pa rin, ayaw ko sa nararamdaman ko. ayaw ko!

before mag start ang summer class: hayy, nakakalungkot. may nangyari at pinapaalis na ako ng Pilipinas, kahit labag sa loob ko na umalis sa bansang kinagisnan ko, kylangan gawin. sabi ko sa sarili ko, kahit anong mangyari, babalik ako. kahit anong mangyari, pipilitin ko bumalik. at bago ako umalis, inamin ko kay *friend, na may nararamdaman ako para sa kanya. ano reaction niya?, wala!. bakit? kasi parehas lang daw kami ng nararamdaman. hay, ayaw ko nga di ba?. ayaw ko sa nararamdaman ko. gusto ko mawala yun!. ayun, during the summer break, akala ko successful ang ginawa kong pagmumuni-muni, at wala na yung feeling. yes, solve na!. bakit nga ba ayaw ko sa nararamdaman ko? kasi alam ko na masasaktan lang ako. ewan ko kung bakit, pero meron sa loob ko na nagsasabi, masasaktan lang ako, kaya habang maaga p, mawala na dapat toh.

~by some twist of faith nakabalik ako ng Pinas, at ayun, nakapag-enroll for summer classes, at ayun, summer classes n!, yes, makikita ko ulit barkada ko. masaya to.

summer classes: masaya na sana ako, kaso lang, etong GAG*NG lalaki n to, bwisit!, kala ko wala na yung nararamdaman ko for him, pro G*GO talaga, nagparamdam lang, sh*t, bumalik na naman. haayy, ang hirap na lalo, alisin yung feeling, panu ba naman araw araw magkasama kayo. tapos nagpaparamdam pa siya. highlight ng pagpaparamdam niya. debut ng friend nmen. minsan lang ako payagan sa ganyan kaya sobrang saya ko talaga nung pinayagan ako, todo shopping, para naman maganda ako di ba?. ayun, saya ng party. pero yung after party tlga ang mas masaya. pumunta kami sa bahay ng isa pa naming friend at nag inuman, hindi naman to the highest maximum inuman, katuwaan lang, wala naman nalasing and stuff. hay, medyo tipsy na si *friend kaya inaya ko na siya na tumigil at matulog na siya sa loob ng bahay. pero hindi talaga siya umalis hangga't hindi rin ako umaalis. kaya sinamahan ko na siya. sa loob, kaming dalawa pa lang kasi nasa labas pa yung iba, naglilinis, sabi ko sa kanya, tulog ka na. ginawa niya, humiga siya tapos sabi niya, tabi ka sakin, (take note:nsa floor kami kasi may nauna sa bed) edi tumabi ako kasi medyo inaatok na rin ako ng mga panahon na un. niyakap niya ko. hay, sarap ng feeling, pero mali eh. after nang gabing un (o umagang un). hiniram niya yung iPOD ko, pinahiram ko naman. at gumawa siya nang playlist, sabi niya, pakinggan ko dw, mga kanta daw niya un, pra sakin. at ang pinaka kanta niya daw para sakin ung "obvious" ng westlife. kayo n bhala humanap ng lyrics, ang tanga ko naman, kinilig ako. putek talaga!. mali!. hay. ayun, text text uli, sabi niya dami niya daw gustong itanong sakin, sabi ko before matapos ang summer, sige itanong para bago matapos ang summer nasagot ko yung mga tanong na yun. ganun nangyari, gusto niya ko, pero ako, eto, ayaw sa nararamdaman, kaya hindi nagsalita pero pinapakita ko naman. sumunod na debut. wala na yung dating sweetness n pinakita niya nung una, nagusap kami, syempre sa text, sabi itanong na niya lahat ng gusto niya itanong, sabi niya, wala na daw yun, mai sasabihin n lang siya, nung sinabi niya toh, nakaramdam ako ng takot, hindi ko alam kung bakit, pero naramdaman ko yung takot. sinabi niya, mas maganda siguro na friends na lang kami, ARAY!, hay, sinabi ko rin kasi sa kanya yan bago magsummer classes, hay, pero syempre hindi ko pinakita na nsaktan ako. tapos na ang summer classes.

summer break: hay, nakalipas ang ilang araw, ganun pa rin prang walang nagbago, swit siya sa text. ewan ko ba ad*k ata tlaga un eh. hay, hndi ko na kaya itago pa yung nararamdaman ko, sinabi ko ule sa kanya na, bumalik ung feeling n pinilit ko kalimutan before magsummer class. sbe niya, tignan na lang natin kung hanggang saan kami dadalhin nito, at sana walang EXPECTATIONS. hay, wala daw dapat iexpect. ayun, dun ako tanga, hndi ko pa nakita yung sign na un. pinigilan ko n dapat. hindi ko n dpat pinlaki pa ung feeling. haaaayy..

~~eto ako ngayon nasasaktan kasi alam ko may iba na siyang gusto. hayy..

layp tlga!.ang sakit sakit. nagseselos ako ng walang karapatan. umiiyak para sa taong wala naman pakialam. nakakainis lang kasi kahit ganu ko pigilan na tumulo yung luha, tutulo parin siya, kahit ganu ko itago na nasasaktan ako lumilitaw parin, oo nga, nakangiti ako, pero sobrang durog yung puso ko. sobra. ayoko na umiyak!. ayoko na masaktan!. nakakapagod. gusto ko na mawala to pero ganun talaga buhay, kailangan masaktan. :((

~sana lang makita ko na yung taong sa simula pa lang, alam kong tama yung nararamdaman ko, sana makita ko na yung taong, magpapangiti sakin ng tuluyan, sana makita ko na yung magpapabilis ng oras habang kasama ko siya,yung taong kaya ko sabihan ng lahat lahat, yung taong lagi andyan para sakin, yung taong mamahalin ako ng tunay, yung taong hindi titingin sa iba, yung taong nakalaan para sakin. sana makita ko na siya. hayy..~

~~~i'm still finding 'NEMO' .. ~~~

0 things other people say: